Thursday, July 10, 2008

Balingkinitan pasa sa Litratong Pinoy


Responsibilidad ng isang propesyonal na mananayaw na panatilihaing "balingkinitan" ang kanilang mga katawan. Aba, mahirap yatang sumayaw at magtatatalon kung kabigatan ang kanilang katawan...

Ang aking kontribusyon sa Litratong Pinoy ngayong linggo... My "dancings woods".

Inaalay ko din ang litratong ito sa aking Nanay, dahil hindi nya na makita ang pares ng mga piguring ito....

13 comments:

meeya said...

tama :) kailangan talaga physically fit ka at malakas ang resistensiya kung isa kang mananayaw.

isang mahigpit ng yakap para sa iyong ina... ((hug))

LP Balingkinitan sa MyMemes
LP Balingkinitan sa MyFinds

arvin said...

Naranasan ko yan, nag-tap dancing ako dati, grabe, after one hour of dancing, ang pawis, as in, hehehe. Puro palundag-lundag, palukso-lukso kasi. Hirap! Pero ayus pa rin, napili pa nga ako magperform sa program:D

Yun nga lang hindi naman ako pumayat, haha.

thess said...

dancing is the best form of exercise daw talaga. kaya bihira ang matatabang dancers.

great shot of this dancing woods!

Happy LP

RoseLLe said...

tamang tama ang iyong lahok sa temang balingkinitan...pasok din naman ang iyong huling artikulo ukol sa iyong kapatid. isa siyang may balingkinitang pangangatawan.

makikibati na din ako ng Happy Birthday!

ayos ba? 2 posts in 1 comment.

magandang araw!

misispb said...

@meeya: maraming salamat sa kometo, kaya ako nabibilib sa mga may kabigatang mga dancers, dahil nakakayanan nilang gumalaw ay sumayaw kahit sila'y malusog

@arvin: wow! tap dancing? pinapangarap din yan ng anak kong 7 yrs old... siguro kung pinagpatuloy mo ang pagsasayaw, malamang "balingkinitan" ka na...

@thess: maraming salamat! isa itong litratong ito sa mga paborito ko kahit kinuha ko to nung nagsisimula pa lamang ako sa bisyong kinalulunan ko... salamat muli!

@roselle: makakarating ang iyong pagbati. Minsan din sa buhay ng kapatid kong iyon ay naging mananayaw din sya sa Ballet School ng CCP. Kaya bagay na bagay sana ang balingkinitan nyang pangangatawan.

julie said...

Ang ganda naman ng art work na yan :)

misispb said...

@JULIE: maraming salamat. lubos kong ikinagagalak ang pagkagusto mo ng aking trabaho... :-)

Ner said...

hahaha, natawa ako sa huling statement. san ba napunta? :D

maligayang paglilitrato! :)

misispb said...

@ner: sa maniwala ka man o hindi, misteryoso ang pagkawala. at halos 1 buwan nagtatalak ang nanay ko tuwing nakikita nya na mag-isa na lang yung pigurin. suspetsa namin, nasira ng isang kasambahay at natakot madiskobre kaya itinapon na lang...

Teys said...

ang galing naman mahilig din ako sa ballet! at least may litrato si nanay kahit wala na ang pigurin... gawa ka na lang ulit! :)

hapi bertdey na din! :)

http://teystirol.com/2008/07/10/lp15-balingkinitan/

misispb said...

@teys: maraming salamat. Nung miyembro pa ng Ballet Phils ang kapatid ko, halos 3-4 beses sa isang buwan, nasa CCP kami para manuod ng palabas, pero wala na sya ngayon at masyadong mahal ang ticket. nakakamiss na nga manuod ng ballet performance... at one point, nag ballet din ako. nung "balingkinitan" pa ako.. haha!! salamat ulit

MommyBa said...

lovely shot!

have a great week ahead!

misispb said...

thanks MommyBa! Have a great week to you too!:-)