Tuesday, July 1, 2008

the chain of events

Kanina, naisip ko na hindi magyosi ngayong araw,

naisip ko 'to habang nakapikit at bahagyang natutulog sa byahe papuntang Makati

Nakapikit ako at bahagyang tulog dahil inaantok ako, isang bagay na hindi ordinaryo. hindi ako natutulog sa byahe.

Inaantok ako dahil napuyat kami kagabi...

Napuyat kami dahil hindi makatulog si Taal...

Hindi makatulog si Taal, dahil hindi sya makahinga

Hirap syang humingi dahil barado ang ilong nya...

Barado ang ilong nya dahil may sipon sya...

Sinipon sya dahil nahawa sya kay Gykgyk...

Sinipon si Gykgyk dahil....??


Hindi ko na alam kung madurugtungan pa ito...

No comments: