Thursday, July 3, 2008

Tatak PInoy para sa LP

Salamat kay Ibyang sa pagpapakilala sa akin ng LP.

Naisipan kong lumahok sa lingguhang paligsaha ng Litratong Pinoy. Hindi upang magwagi kundi para maibahagi ang libi-libong litrato na kinuha ko ng mga nakaraang taon na halos 30% ng espasyo ng hard drive ko ay kinakain (250gig).

Ang tema ngayong linggo ay "Tatak Pinoy".



Ang simbahan sa quiapo ay isa sa pinakakilalang simbahan sa Pilipinas. Dito matatagpuan ang pinaniniwalaang mirakulong Nazareno. Isa rin ito sa pinakamatandang simbahan sa Pilipinas na itinayo nuong 1582.


7 comments:

ShutterHappyJenn said...

Buti nakuhanan mo ang simbahan. Nung minsan, kukunan dapat ng kapatid ko ang simbahan ng Quiapo, pero sinita sila!

Ang aking lahok ay naka-post na rin sa aking blog:
Shutter Happenings.
Sana makadaan ka rin!

misispb said...

talaga? maraming beses na kaim kumuha ng litrato dyan pero wala namang sumisita sa amin... yung iba nga, gustong gusto pang makasama sa litrato... salamat sa komento... bibisitahin ko din ang website mo :-)

betchay said...

uy baka magselos ang baclaran... ang ganda na ng quiapo ano? hindi tulad noon na nakakatakot puntahan... hehehe

Munchkin Mommy said...

parang hindi ko agad nakilalang Quiapo Church pala ang nasa litrato. parang bagung-bago kasi. :)

LP Tatak Pinoy: Mga Gawang Kamay
LP Tatak Pinoy: Mga Lamang Tiyan

misispb said...

@betchay: maganda ang ginawa nilang pag-ayos sa lugar na yun. Pati Hidalgo nga di ba inayos din nila. salamat sa komento.

@munchkin mommy: nakisama lang ang araw kaya nagmukhang bago ang simbahan. salamat sa komento

MommyBa said...

ganda ng quiapo church ano kahit na magulo ang paligid nya.

happy weekend!

misispb said...

agree, dahil siguro sa kasama nitong kasaysayan... ilang daang taon and kaakibat nyang istorya ha...