Tuesday, November 4, 2008

Pinoy Top 10: PInakamagagandang Lugar sa Pinas (para kay Ana)


PINOY TOP TEN ENTRY: Hindi nakalista sa partikular na pagkakasunod-sunod.  Kung anu lang ang unang pumasok sa utak ko:


1.  Manila - Hahanap hanapin mo pa din ang polusyon dito.  Ang mga mini-stop at Starbucks na halos nasa bawat kanto

2.  Baguio - sarap matulog lang ng matulog ng matulog, syempre lalo na kung may katabi ;-)

3.  Vigan - ang mga lumang bahay at pagkain ng emapanad at longganisa!

4.  Pagudpud - halos 2 buwan din akong nanatili sa bayang ito.  Katahimikan at malinis na hangin. Plus the beach at mababait na tao

5.  Los Banos - my home away from home.  Walang katapat sa puso ko.

6.  Coron, Palawan - araw, isla, tubig, at buhangin. Hay, dito kami nag honeymoon ni mister

7.  Boracay - kahit sobrang commercialized na, isa pa din sa pinakamagandang isla sa balat ng lupa (at tubig)

8.  BF paranaque - dahil nandito ang halos lahat ng kailangan mo.  TUbig lang ang medyo wala. Pero malapit na magkaron! Yung iba may linya na ng Manila Waters. "Salamat kay PGMA at VP Noli de Castro sa pakikipagtulungan ni Jun Bernabe, magkakatubig na kami"  with matching poster ni GMA with the blue hart hat (or is it yellow?)

9.  Tagaytay - KAsalan 2007 venue.  :-)

10.  EL Nido - ito lang ang nasa lsitahan na di ko napuntahan pa.  Siguro pag yumaman na ko. pero maganda daw talaga dito eh.  Sana lang....


1 comment:

FickleMinded said...

Palawan is not only the best in the Phils but also in the world.