Thursday, December 4, 2008

Excited para sa LP

Ito ay isang litrato na kinuha ko nuong nakaraanag taon.  Nabungi and aming panganay na si Ada.  Inakala ko nung una na ito ay ikalulungkot nya dahil talaga namang ngipin sa harap ang naalis.  Ngunit kabaligtaran ang nangyari! tuwang tuwa sya na kinailangan kong hulihin ang kanyang kasiyahan. At ito yon.  Sobrang excited sya sa ibibigay ng Tooth fairy sa kanya.  Aba valuable ata ang front teeth!


Para sa kaalaman lang ng lahat, P50.00 ang natagpuan nya sa ilalim ng unan nya kinabukasan. malaki na yun para sa pitong taong gulang na batang Pilipino! 

Gandang huwebes sa lahat!! 



5 comments:

shutterhappyjenn said...

Ang cute naman! Ano kaya pakiramdam niya nung makita ang pera galing kay tooth fairy?

Ang aking LP entry ay naka-post dito. Sana makadaan ka kung may oras ka. Salamat!

Tanchi said...

ang cute..kitang-kita ang kasiyahan:)
bisita ka rin sa entry ko:)
monkeymonitor.blogspot.com

Moonlight-Mom said...

proud sya na mapapalitan na ng permanente ang ngipin nya. aliw!

Familia Khuletz said...

...ang cute naman, ngiting ngiti siya..^_^

sana makadaan kadin sa aking lahok.

happy lp

lino said...

hehe, ayos ah... excited nga...


pasensya na at ako'y nahuli, pakisilip po ang aking lahok... :)