Thursday, June 4, 2009

Misyon para sa LP

Ang Misyon: kunan ng litrato ang mga bagong tinapay ng tindahan.

Kaya isang sabado ng umaga, kinailangan kong guming ng maaga upang makarating sa tindahan bago ito magbukas para sa madla. Bitbit ang hiram na kamera (oo humuhiram lang ako ng camera, sira kasi si canon ni mister), dinayo namin ang Shopwise Alabang upang subukan at litratuhan ang kanilang bagong tinapay.
Sa halos limampung litrato, mangilan-ngilan ang masasabi kong magandang kuha. At sa aking palagay, isa ang litrato sa itaas.. :-)

9 comments:

thess said...

Mission accomplished, Ana! Ginutom ako sa larawan mo. Ganuon yata talaga, sangdamakmak na shots muna para masala ang pinakamaganda ;)

Happy LP!

Ria said...

it is a great shot! good job!!! buti pumapayag silang mag picture kayo dun...ibang grocery ayaw e! sana makadalaw ka sa sa lp ko!

kg said...

maganda nga! at ang sarap! parang naamoy ko sya! i love bread! :)

magandang gabi!

Paula said...

Wow, ang ganda nga ng kuha mo! magaling!

Happy LP!

Carnation said...

napakasarap na misyon. gusto ko rin ng amoy ng bagong lutong tinapay. hmmm. ito ang akin: http://sweetcarnation.blogspot.com/2009/06/lp-misyon-mission.html

Willa said...

well, i can say, Mission Accomplished indeed!! hindi nasayang ang pagod mo dahil maganda ang larawan ng tinapay, at nakakagutom pa!

Zee said...

Mission Accomplished! Love the shot...and i feel as if i can smell freshly bakes bread! yummy!

lino said...

ganun talaga yun... ang ganda naman ng shot... good job! happy LP... :)

Marites said...

Sarap na sarap ako sa amoy ng bagong lutong tinapay, ewan ko ba..nalalaway kaagad ako pag may naamoy akong ganyan. maligayng LP! galing ng kuha mo.